TOP 7 REGIONAL MOST WANTED PERSON SA KASONG RAPE, ARESTADO

CAUAYAN CITY- Tuluyan ng napasakamay ng mga otoridad ang tinaguriang Top 7 Regional Most Wanted Person sa tatlong bilang ng kasong panggagahasa sa Brgy. Sta. Filomena, San Mariano, Isabela.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jeffrey Cabasal, Presiding Judge of Regional Trial Court, Branch 16, Second Judicial Region, City of Ilagan, Isabela sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng San Mariano Police Station.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga ng kinauukulan para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments