Top 8 Most Wanted Person, Arestado

23

Cauayan City, Isabela- Naaresto na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 8 Most Wanted sa City level matapos na isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. Camunatan, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang nahuling akusado na si Jhake Padagas, 29 taong gulang, may asawa at residente rin ng brgy. Camunatan.


Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Perla M. Polintang-Huerta ng MTC, 5th Judicial Region, Carmona, Cavite ay tuluyang nadakip ang akusado ng mga kasapi ng PNP Ilagan City.

Si Padagas ay nahaharap sa kasong Theft at may inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala sa Ilagan City Police Station ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments