Top 8 Most Wanted Person, Huli ng mga Otoridad!

50

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang itinuturing na Top 8 Most Wanted Person sa bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jay Ar Maranan, 21 anyos, binata, construction worker at residente ng Brgy. Sta. Cruz, Benito Soliven, Isabela.


Si Maranan ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Alfred Alex Castillo ng MCTC Benito Soliven-San Mariano dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Damage to Property.

Dinala sa himpilan ng PNP Benito Soliven ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng kanyang piyansa na limang libong piso (P5,000).

Facebook Comments