TOP 8 MOST WANTED PERSON, NASAKOTE SA REINA MERCEDES

CAUAYAN CITY- Hindi na makakapagtago pa sa batas ang isang lakaki matapos masukol ng mga otoridad sa bayan ng Reina Mercedes, probinsya ng Isabela.

Ang suspek ang kinilala sa pangalang “Francis”, nasa wastong gulang, at residente ng nasabing lalawigan.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong statutory rape kung saan walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Reina Mercedes PS para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments