TOP 8 MOST WANTED PERSON SA DAGUPAN CITY, NASAKOTE

Timbog sa bisa ng warrant of arrest ang isang lalaki na tukoy na Top 8 Most Wanted Person sa Dagupan City.

Nakilala ito na isang 21 anyos na estudyante at residente sa nasabing lungsod.

Dalawang kaso ang kahaharapin ng suspek – Rape by Sexual Assault na may itinakdang piyansa na P200,000 habang ang isa pang kasong nitong Rape ay walang kaukulang pyansa.

Samantala, nauna nang naaresto ang ilan pang indibidwal na kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Persons sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments