Top 8 Most Wanted Person sa Echague, Isabela, Timbog!

106

*Echague, Isabela- *Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang Top 8 Most Wanted Person sa bayan ng Echague, Isabela matapos isilbi ang warrant of arrest nito pasado alas onse kaninang umaga.

Kinilala ang akusado na si Emmanuel Ballad, 28 anyos, may-asawa, isang manggagawa at residente ng Brgy. Soyung, Echague, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, hinuli si Ballad dahil sa kaso nitong Qualified Theft kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa Echague Police Stationa si Ballad para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments