Top 8 Most Wanted sa Alicia, Isabela, Natimbog Na!

*Alicia, Isabela-* Nasa kamay na ng mga otoridad ang Top 8 Most Wanted sa bayan ng Alicia matapos itong madakip sa brgy. Bagnos, Alicia, Isabela.

Ang nadakip ay kinilalang si Venancio Ariola Jr. alyas “Jun-jun”, trentay dos anyos, isang Vulcanizer at residente rin ng nasabing barangay.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Alicia si Ariola sa bisa ng Warrant Of Arrest na inihain ni hukom Rodrigo Pascua Jr. ng MCTC Ramon-San Isidro, Isabela dahil sa kasong Tangkang Pagpatay.


Nakapiit na sa Alicia Police Station ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng tatlumpu’t anim na libong piso.

Facebook Comments