Top 8 Most Wanted sa Isabela, Arestado!

66

Jones, Isabela- Nadakip na ang Top 8 Most Wanted Provincial Level at Top 2 Municipal Level kahapon sa barangay Magulon, Lamut, Ifugao.

Ang nadakip ay kinilalang si Alfredo Taguiling, bente tres anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Magulon, Lamut, Ifugao.


Si Taguiling ay dinakip nang pinagsanib pangkat ng PNP Lamut, at PNP Jones sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T Ong, Judge of RTC, Branch 24, Echague, Isabela noong Enero disi syete taong kasalukuyan dahil sa kaso nitong Panggagahasa.

Dinala na sa PNP Lamut ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments