Arestado rin ang itinuturing na top 8 most wanted person provincial level sa Pangasinan.
Kinilala ang akusado na isang 49 anyos na delivery boy at residente ng Bolinao,
Pangasinan.
Naaresto ng pulisya ang akusado sa bahagi ng Urbiztondo sa pamamagitan ng isang warrant of arrest at ngayo’y haharap sa kasong Murder at walang inirerekomendang kaukulang piyansa.
Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Urbiztondo Municipal Police Station ang nasabing akusado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









