Top 9 Most Wanted Person ng Aklan PPO, arestado

10

Kalibo, Aklan — Arestado ng mga otoridad ang Top 9 Most Wanted Person ng Aklan PPO ngayong gabi sa Sitio Bukid, Brgy. Tumalalod, Mambusao, Capiz.
Ang akusado ay kinilala kay Leo Maligmat Flores, 26-anyos native ng Brgy. Laserna, Nabas, Aklan.
Inaresto si Flores ng mga miyembro ng Aklan PPO Trackers Team, Nabas PNP, 605th MARPSTA at PIS sa pamamagitan ng bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No.14671 sa kasong Frustrated Homicide na ibinaba ni Hon. Judge Ronald H. Exmundo, Presiding Judge, RTC 6, Branch 4, Kalibo, Aklan na may petsang Enero 28, 2020.
P 72,000.00 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantang kalayaan.
Sa ngayon ay ikustodiya muna ang nasabing akusado at nakatakdang i-turn over sa korte bukas.

Facebook Comments