Top 9 Most Wanted Person sa Cagayan, Arestado!

20

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang Top 9 most wanted person sa lalawigan ng Cagayan.

Kinilala ang akusado na si Leonides Villalon, 49 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy Dalaya, Buguey, Cagayan.


Nahuli si Villalon sa pinagsanib pwersa ng PNP Buguey, 2nd PMFC at 203MC, RMFB2 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Condrado T Tabaco, ng RTC Aparri, Aparri, Cagayan.

Nahaharap sa kasong murder o pagpatay si Villalon at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa pangangalaga ngayon ng PNP Buguey ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments