Top 9 most wanted person sa Guipos, Zamboanga Del Sur – naaresto sa North Cotobato

North Cotabato – Matapos ang ilang taong pagtatago sa batas ay nahuli na rin ng pulisya ang top 9 most wanted person na akusado sa pamamaslang at panggagahasa sa Barangay Nica-an, North Cotabato.

Nakilala ang akusado na si Marcelino Tapdasan, 55-anyos residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang suspek matapos ilabas ni Judge Romeo Descallar ng Regional Trial Court (RTC) branch 19, Pagadian City ang warrant of arrest sa kasong murder at 8 counts rape.


Si Tapdasan ay nahuli sa Barangay Nica-An, North Cotabato at kabilang din umano ito sa listahan ng mga top most wanted person sa Guipos, Zamboanga Del Sur.

Facebook Comments