Top 9 Most Wanted sa Lambak ng Cagayan at Isa Pang Indibidwal, Arestado!

80

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Arestado ang dalawang kataong Wanted sa batas sa isinagawang operasyon ng mga otoridad kahapon.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Samson Caginging, trenta anyos, walang-asawa, residente ng Dubinan West Santiago City at Top 9 Most Wanted sa Regional Level at Top 1 naman sa listahan sa bayan ng Echague, Isabela habang ang isa pang suspek ay kinilala namang si Jaime Malabad, bente tres anyos, walang-asawa, magsasaka at residente naman ng Centro 2 Lasam, Cagayan.


Si Caginging ay nadakip sa Brgy. Garit, Echague, Isabela ng mga pinagsanib pangkat ng Echague Police Station, Regional Intelligence Unit 2 at Santiago City Police Station 2 sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng korte dahil sa Kaso nitong Panggagahasa habang si Malabad naman ay nadakip sa kanyang naturang barangay sa Kaso ring Panggagahasa.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang dalawang suspek na mahaharap sa kanilang kaukulang kaso.

Facebook Comments

From Advertisers