Naaresto ng mga operatiba ng Cervantes Municipal Police Station (MPS) kasama ang RMFB1 102nd Maneuver Company, Ilocos Sur Provincial Intelligence Unit (ISPIU), at Regional Intelligence Division (RID PRO1) ang isang lalaking kabilang sa Top 9 Most Wanted Persons sa antas probinsiyal.
Kinilala ang akusado bilang isang 35 taong gulang, lalaki, walang asawa, manggagawa, at residente ng Cervantes, Ilocos Sur.
Inaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A (1) na may kaugnayan sa Article 266-B ng Revised Penal Code na walang inirerekomendang piyansa.
Matapos ang matagumpay na operasyon, dinala ang akusado sa kustodiya ng Cervantes MPS para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Facebook Comments









