Isang Most Wanted Person (MWP) na kabilang sa Top 9 sa rehiyon ang naaresto ng mga awtoridad bandang 10:25 ng umaga, kahapon sa lungsod ng Dagupan.
Ang operasyon ay pinangunahan ng tracker teams ng TSC at RMFB1 bilang lead unit, katuwang ang Damortis MLET, BHQ RMFB1, CIDG Isabela PFU, RIU1-PIT, RIU2-PIT, Dagupan City Police Office (CPO), 1st at 2nd LUPMFC, LUPIU, at RID1.
Ang naarestong suspek ay isang 54-anyos na construction worker, at residente ng Dagupan City, Pangasinan.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) kaugnay ng kasong Rape at walang rekomendadong piyansa.
Matapos ang pag-aresto, ang akusado ay maayos na isinailalim sa kustodiya at itinurn-over sa CIDG Isabela PFU, kasama ang RIU 2, para sa kaukulang dokumentasyon bago ito dalhin sa hukuman na may saklaw sa pinagmulan ng kaso.
Patuloy namang tiniyak ng mga awtoridad ang kanilang mahigpit na kampanya laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.








