CAUAYAN CITY – Himas rehas ang isang lalaki matapos itong maaresto sa Barangay Villa Sur, Maddela Quirino.
Nakilala ang suspek na si alyas “Badong”, 56-anyos, may asawa, magsasaka, residente ng Villa Sur, Maddela Quirino at Top 9 Most Wanted Person sa Regional Level.
Inaresto ang suspek sa bisa ng mandamiento de aresto na inisyu ni Hon. Winston Aris Mendoza para sa kasong 7 bilang ng Qualified Rape kung saan walang inirekomendang piyansa.
Ang pagkakadakip kay alyas “Badong” ay sa pinagsanib na pwersa ng Maddela Police Station katuwang ang Quirino Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 2, at 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company.
Facebook Comments