Top leader ng NPA patay sa operasyon ng militar

Patay ang itinuturing na top leader ng makakaliwang grupong New People’s Army (NPA) sa Mindanao.

Iniulat ni 701st Infantry Brigade Commander, BGen. Oliver Maquiling, ang pag-neutralisa kay Joedel Virtudazo, alyas “Jervy/Janjalani” matapos ang matagumpay na combat operation sa Sitio Latay, Barangay Marfil, Rosario, Agusan del Sur.

Si Virtudazo ay itinuturing na commander ng Regional Sentro de Gravidad ng Northeastern Mindanao Regional Committee.


Narekober sa kanya ang isang R4 rifle, isang backpack, at mga subversive documents.

Dahil dito, muling nanawagan ang sandatahang lakas sa mga natitira pang myembro ng CPP-NPA-NDF, na talikuran na ang armadong pakikipabaka at makiisa sa programa ng kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng pamahalaan.

Facebook Comments