Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar ang pagbuo ng isang top level PNP coordinating group na makikipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-imbestiga ng 52 kaso ng umano’y pang-aabuso ng mga pulis sa kampanya kontra droga.
Ayon kay PNP chief, ang grupong ito ang magpupursige sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso batay na rin sa mga makukuhang ebidensya laban sa mga pulis na nagmalabis sa pagpapatupad ng kampanya kontra droga.
Matatandaang unang isinumite ng PNP sa DOJ ang 52 case folders ng mga anti-drug operations kung saan namatay ang mga drug suspek para ma-review, sa harap na rin ng nga alegasyong hindi nasunod ang mga police operational procedures.
Sinabi ni PNP chief, naging kakambal na mga matagumpay na operasyon ng PNP sa kampanya kontra droga sa nakalipas na limang taon ang pagdududa ng publiko sa pagkamatay ng mga suspek.
Para kay ELeazar na bilang PNP chief, hindi niya hahayaan masira ang PNP dahil sa mga alegasyong ganito dahil ang nakataya ay ang karangalan at integridad ng PNP.