Top Most Wanted Municipal Level sa Nueva Vizcaya, Arestado!

53

Cauayan City, Isabela- Arestado ang top 1 most wanted person municipal level matapos isilbi ng kapulisan ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.George Maribbay, OIC ng PNP Bayombong, ang naaresto ay nakilalang si Michael Ancheta, alyas “Tukil” 26-anyos, binata, kusinero at residente ng Brgy. Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa direktiba ni P/Capt. Marribbay ay pinangunahan ni P/Capt. Jolly Villar, Deputy Chief of Police ang pagsilbi ng warrant arrest kay Ancheta sa kanilang bahay dakong 11:35 ng umaga kahapon na nagresulta sa pagkaaresto nito.

Si Ancheta ay nahaharap sa kasong Murder o pagpatay kung saan ay wala itong kaukulang piyansa.

Pansamantalanag nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments