Top Most Wanted na Lalaki, Bagsak na sa Kulungan!

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted person na lalaki matapos maaresto sa Brgy. Concepcion, Delfin Albano, Isabela.

Pasado alas 5:00 ng hapon, Pebrero 20, 2020 nang maaresto si Ruben Baingan, alyas “Melchor”, 40 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. San Francisco, Benito Soliven, Isabela.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Isaac R. De Alban, ng RTC Branch 16, City of Ilagan, Isabela.


Si Baingan ay nahaharap sa kasong Parricide at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Benito Soliven ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments