Top Most Wanted Person na wanted sa kasong rape at qualified rape, arestado sa Muntinlupa

Hawak na ng Southern Police District (SPD) ang No. 1 Top Most Wanted Person station level ng Muntinlupa City Police Station dahil sa kasong panggagahasa at qualified rape.

Ang suspek na si alyas “Ranielle”, 42 years old ay naaresto sa Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Humaharap ang suspek sa kasong Lascivious Conduct na nasa ilalim ng RA 7610 at Qualified Rape sa ilalim ng RA 11648.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Phillip Acosta Aguinaldo, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 207, Muntinlupa City.

Mayroon namang inirekomendang P800,000 na piyansa para sa apat na bilang ng Lascivious Conduct habang walang piyansa para sa Qualified Rape.

Facebook Comments