TOP MOST WANTED SA APAT NA KASO NG STATUTORY RAPE, ARESTADO SA ALAMINOS CITY

Arestado sa bisa ng warrant ang Top Most Wanted sa Alaminos City matapos ang sanib pwersang operasyon ng awtoridad sa Brgy. Tanaytay noong gabi ng Martes, Pebrero 3.

Ayon sa pulisya, bukod sa municipal leval, kabilang din ang suspek sa Top 5 Most Wanted sa provincial level, na may apat (4) na kaso ng statutory rape na walang inirekomendang piyansa.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa ospital para sa medikal na pagsusuri bago dalhin sa himpilan ng pulisya.

Dahil dito, hinikayat ng pulisya ang publiko na maging mapagmatyag at agad iulat ang anumang kahina-hinalang gawain upang mapanatili ang seguridad sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments