Top Most Wanted sa Kasong Panggagahasa, Arestado!

144

*Cauayan City, Isabela- *Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 1 most wanted person sa bayan ng Echague, Isabela matapos maaresto saBrgy Sinabbaran, Echague, Isabela.


Nahuli ng mga otoridad pasado alas nuebe kaninang umaga si Michael Baymosa, 27 anyos, may-asawa, tricycle driver at residente ng Barangay Sinabbaran ng nasabaing bayan.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T Ong, ng Regional Trial Court Branch 24.

Si Baymosa ay nahaharap sa kasong dalawang beses na rape o panggagahasa.

Posibleng makulong ng habang buhay ang akusado dahil walang inirekomendang piyansa ang korte.

Pansamatalang nasa kustodiya ng PNP Echague ang akusado para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Facebook Comments