Top Most Wanted sa Kasong Rape, Natimbog!

174

San Mariano, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng San Mariano, Isabela.


Ang akusado ay nakilalang si Marlon Pitpit, 34 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Disulap, San Mariano, Isabela.

Dinakip ng PNP San Mariano si Pitpit sa pangunguna ni PCapt Ericson Aniag, hepe ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Isaac De Alban ng RTC Branch 16 City of Ilagan, Isabela.

Si Pitpit ay nahaharap sa kasong Panggagahasa na naitala noong Pebrero 3, 2020.

Posibleng hindi na makalabas ng kulungan ang akusado dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments