Top Most Wanted sa San Agustin, Isabela, Natimbog Na!

36

*San Agustin, Isabela- *Bagsak na sa kamay ng mga otoridad ang Top Most Wanted Person sa bayan ng San Agustin, Isabela matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa brgy Sandiat East, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Melanio Dela Cruz, singkwentay kwatro anyos, may asawa at residente ng Matusalem, Roxas, Isabela.

Batay sa nakuhang report ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP San Manuel si Dela Cruz sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela dahil sa kasong Murder.

Nakapiit na ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ito ng halagang dalawang daang libong piso (200,000.00).

Facebook Comments