
Naaresto ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang lalaki na nakalista bilang No. 1 Most Wanted Person sa municipal level at Rank No. 2 Most Wanted Person sa provincial level sa Purok 5, Barangay La Paz, San Narciso, Zambales.
Ang nasabing suspek ay isang 51 na taong gulang na lalaki at residente ng nasabing lugar.
Sya ay naaresto sa bisa ng 2 warrant of arrest para sa paglabag sa RA 10883 o Carnapping na may rekomendang pyansa na 300,000 pesos.
Habang ang pangalawang warrant ay para sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o Estafa na may rekomenda namang pyansa na 18,000 pesos.
Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya ng Provincial Highway Patrol Team ng Zambales para sa dokumentasyon at tamang disposisyon habang hinahantay ang pagbalik ng warrant ng nag-isyung korte.










