Top No. 2 Regional Most Wanted Person, naaresto sa Bulacan

Arestado ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person ng Police Regional Office 8 at sinasabing miyembro ng “Dela Rosa Group” sa isang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa Brgy. Poblacion, Bustos, Bulacan nitong July 21, 2025.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Culaban Custodio, alyas “Idoy”, construction worker, at tubong Cananga, Leyte.

Nahaharap si Custodio sa ilang kaso ng murder kaugnay ng serye ng karahasan sa lalawigan ng Leyte.

Ayon sa mga awtoridad, ang pagkakaaresto kay Custodio ay malaking dagok sa operasyon ng Dela Rosa Group na isang criminal group na kumikilos sa Eastern Visayas at sangkot sa iba’t ibang krimen.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Bustos Municipal Police Station si Custodio para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda sa pag-turnover sa korte na may hawak ng kanyang mga kaso.

Facebook Comments