Top officials ng BJMP, sumailalim sa drug test

Quezon City – Sumalang kanina sa drug test ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP  sa National Headquarters at Regional Directors ng Kawanihan sa Quezon City.

Ayon kay BJMP Spokespersons Jail Chief Inspector Xavier Solda, ang kautusan ay ipapatupad ni BJMP Officer-in-Charge Jail Chief Superintendent Allan Iral para sa mga miyembro ng BJMP Command Group, Director of Directorates at Chiefs of Offices.

Si Iral ang bagong pinuno ng BJMP kapalit ng nagretirong si Bureau Chief Jail Director Deogracias Tapayan.


Gagawin ang drug test sa BJMP top officials bago magsimula ang kanilang  management conference ngayong umaga alinsunod sa mahigpit na kampanya ng kawanihan laban sa  illegal drugs.

Si Iral na kasalukuyang BJMP Deputy Chief for Administration ay pormal nang itinalaga kahapon ni DILG Secretary Eduardo Año bilang Officer-in-Charge ng BJMP.

Facebook Comments