Top performing schools, pinapabigyan ng reward ng isang senador

Manila, Philippines – Iminungkani ni Senator Cynthia Villar na mabigyan ng reward ang top performing o nangangunang magagaling na eskwelahan.

Sa tingin ni Villar, mainam kung may pa-contest taun taon sa iba’t ibang asignatura tulad ng mathematics at science para makita kung anong mga paaralan ang mahina at magagaling.

Sa kabilang banda tatanggalan naman ng insentibo ang mga mangungulelat na eskwelahan.


Suhestyon ito ni Villar, makaraang mangulelat ang Pilipinas sa Reading Comprehension sa 79 na bansa base sa resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment o PISA na isinagawa ng Organization for Economic Cooperation and Development.

Ayon kay Villar, hindi naman inaasahan na maging the best tayo sa lahat ng bansa pero huwag naman sana tayong mangulelat.

Umaasa si Villar na kikilos ang Department of Education o DepEd para maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Facebook Comments