Top Priority ng PDEA at PRO2 sa Illegal na Droga, Nalambat!

110

Cauayan City, Isabela- Nahulog na sa kamay ng mga alagad ng batas ang tinaguriang Top 5 Drug Personality sa Lambak ng Cagayan.

Ang suspek ay kinilalang si Rocky Delos Santos, apatnaput anim na taong gulang, may asawa, at residente ng brgy. Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.


Siya ay nadakip ng magkakasanib na pwersa ng PDEA RO2, Provincial Drug Enforcement Unit ng Isabela at ng PNP San Mateo sa pangunguna ng kanilang hepe na si PMaj.Jefrrey Raposas sa inilatag na drug buy bust operation matapos ang ilang buwan na surveillance sa suspek hinggil sa ginagawa nitong illegal na transaksyon sa droga.

Si Delos Santos ay itinuturing na Top Priority ng PDEA at PNP Region 2 na isang High Value Target (HVT) sa lambak ng Cagayan kaugnay sa kalakaran ng droga.

Nakuha sa pag-iingat ni Delos Santos ang labing isang (11) pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php40,000.00 na buy bust money at isang (1) Cal 38 na baril at mga bala.

Sa kasalukuyan ay inihahanda na ng PNP ang kasong isasampa na paglabag sa R.A 9165 at RA 10591 dahil sa mga ebidensyang nasamsam laban sa suspek.

Facebook Comments