Top Rank CEO Bob Arum, pinag-iisipan kung sino kina Manny Pacquiao at Errol Spence Jr. ang ihaharap kay undefeated American boxer Terrence Crawford

4785

Pinag-iisipan ngayon ni Top Rank CEO Bob Arum kung sino kina WBA Champion Manny Pacquiao at WBC Champion Errol Spence Jr. ang makakaharap ni WBO Welterweight Champion na si Terrence Crawford.

Ayon kay Arum, nais ng kampo ng undefeated American Boxer na makaharap ang isang bigtime na boksingero sa 2021 matapos ang magiging laban nito kay Kell Brook ng United Kingdom.


Dagdag pa ni Arum, mayroon na siyang isinarang deal kay Crawford na haharapin sana si Pacquiao ngayong taon na gaganapin sa Qatar pero hindi ito natuloy dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Aniya, kung sino man kina Pacquiao at Spence ang makakaharap ni Crawford, siguradong tatangkilikin daw ito lalo na’t gusto ng mga boxing fans na makapanood ng isang magandang laban.

Facebook Comments