Top rookie pick Christian Standhardinger, kalahating taon pa ang hihintayin bago makapaglaro sa Beermen

Sports – Mayroon nang itatapat ang San Miguel Beermen sa mga matatangkad na frontline ng kanilang mga karibal sa PBA.

Yung nga lang kailangan nilang maghintay ng anim na buwan pa bago makakapaglaro si 2017 top rookie pick Christian Standhardinger sa Beermen.

May kontrata pa kasi ang 6-8 Fil-German sa Hong Kong sa Asean Basketball League at kailangan pa niya itong tapusin.


Kaya sa Commissioner’s Cup pa makikita ang tambalang Stanhardinger at four time MVP June Mar Fajardo na puwedeng makipagsabayan sa tandem naman nina 7 footer Greg Slaughter at 6-9 Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra.

Facebook Comments