Top Target ng PNP at PDEA RO2, Nalambat sa Buybust!

126

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang priority target ng kapulisan at PDEA Region 2 matapos maaresto sa inilatag na drug buybust operation ng mga otoridad sa Brgy. San Antonio, San Mateo, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Larry Castillo, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.


Sa ikinasang buybust ng mga otoridad sa pangunguna ni PMaj. Darwin John Urani dakong alas 9:00 kagabi, nakuha sa pag-iingat ng suspek ang sampung (10) heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at limang (5) buy-bust stuff ng shabu.

Narekober din sa pag-iingat ni Castillo ang isang libong piso na buybust money na nasa ibabaw ng 20 pirasong boodle money.

Kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kanyang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments