
Arestado ang dalawang most wanted persons sa municipal level sa magkahiwalay na operasyon sa Pangasinan.
Unang naaresto ang Top 2 most wanted sa Brgy. Guiset Sur, San Manuel. Ang suspek ay isang 62 anyos na lalaki at residente ng nasabing bayan. Hinuli siya sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng RA 7610. May nakatakdang piyansang ₱180,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Kasalukuyan na siyang nasa kustodiya ng San Manuel MPS.
Samantala, nadakip din sa Brgy. Poblacion, Labrador ang Top 4 most wanted na isang 37 anyos na lalaki. Hinuli ito sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165, na may kabuuang piyansang ₱200,000, at isang kaso sa Section 12 ng parehong batas na may karagdagang piyansang ₱40,000. Nasa kustodiya na siya ngayon ng Labrador MPS.
Patuloy ang kampanya ng pulisya laban sa mga wanted persons sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









