Top7 Most Wanted sa Jones Isabela, Nalambat!

92

Jones, Isabela – Nahulog na rin sa kamay ng kapulisan sa bayan ng Jones Isabela ang pampito na most wanted sa naturang lugar.

Ang suspek na nadakip ng mga pulis sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Sr. Insp. Samuel Lopez ay nakilalang si Jaime De Leon, 63 taong gulang, isang magsasaka at residente ng barangay Barangcuag Jones, Isabela.

Batay sa spot report ng PNP Jones sa IPPO, bandang alas dose trenta ng madaling araw ng isilbi ang mandamyento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC branch 24 ng Echgue dahil sa kasong bigong pagpatay.


Isinailalim naman sa booking process ng PNP Jones ang pinaghihinalaan na napag-alaman ng RMN Cauayan News na maaaring makalaya pansamantala kung siya ay makakapag lagak ng pyansang 200,000.00 kaugnay sa kasong kinakaharap nito.

Facebook Comments