Topacio at ilang abogado, maghahain ng ethics complaint vs Sen. Hontiveros

Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na dudulog sila ng Senado bukas para ireklamo si Senadora Risa Hontiveros.

Ayon kay Topacio, maghahain sila bukas ng ethics complaint laban kay Hontiveros sa Office of the Secretary-General ng Senado.

May kinalaman aniya ito sa isyu ng witness tampering at iba pa.

Kinumpirma ni Topacio na kasama niyang tutungo sa Senado bukas ng alas dos ng hapon sina dating Cong. Jacinto Paras at Atty. Manny Luna.

Una nang lumutang ang isyu ng sinasabing panunuhol ng senadora sa testigo para daw siraan si Pastor Apollo Quiboloy at ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments