Manila, Philippines – Dumaan sa kabiguan bago naabot ang tagumpay ni 2017 Bar Topnotcher Mark John Simondo ng De La Salle University, Bacolod.
Sa interview ng RMN Manila kay Mark John, ikinuwento niya ang mga pinagdaan bago pasukin ang mundo ng abogasya.
Ayon kay Simondo, kumuha muna siya ng kursong nursing dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang ama.
Nagtapos siya bilang magna cum laude pero nakaramdam siya ng kabiguan nang hindi makapasok sa top 10 ng nursing board exams.
Anya, nagpatuloy ang buhay pero matapos ang tatlong taon na pagiging volunteer nurse, napagdesisyunan niyang humanap ng ibang field o porte gaya ng accountancy, finance hanggang mauwi sa Law.
Kwento pa ni Mark John, tinarget talaga niyang makapasok sa top 10 ng Bar exam pero hindi naman niya inaasahan na magiging topnotcher sa nakuhang 91.05 rating
Payo Ni Attorney Simondo sa mga nagnanais na maging abogado, huwag basta susukuan ang pangarap at abutin ito.
Samantala, itinakda naman ang Oath taking ng Bar Passer sa June 1 sa Philippine International convention center (PICC) sa Pasay City.