Topnotcher Mae Diane Azores ng UST-Legazpi, hindi pa rin makapaniwalang mangunguna sa 2019 Bar Examination

Hindi pa rin makapaniwala ang 2019 Bar Examination Topnotcher na si Mae Diane Azores ng UST-Legazpi na nakapasok siya sa Top 10 at naging Top 1 pa.

Ayon kay Azores, kahit top 8 lang ay masaya na siya sa kaniyang maaabot, pero hindi niya inexpect ang nangyari.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Azores sa lahat ng sumuporta sa kaniya lalo na ngayong abot-kamay na niya ang kaniyang mga pangarap.


Kasabay nito, overwhelm naman ang 2019 Bar Examination Top 4 na si Dawna Fya Bandiola ng San Beda College-Alabang na nag-4th place pa siya sa naturang eksaminasyon.

Matapos kasi siyang mabigong makapasa sa kaniyang 1st try noong 2018, ay hindi siya nawalan ng pag-asa sa kaniyang 2nd try at ngayon ay pasok pa sa top 10.

Si Azores ng UST-Legazpi ang nanguna sa eksaminasyon, kasunod si;

  • Princess Fatima parahiman ng university of the East (2nd place);
  • Myra Baranda ng University of Santo Tomas – Legaspi (3rd place);
  • Dawna Fya Bandiola ng San Beda College – Alabang (4th place);
  • Jocelyn Fabello ng Palawan State University (5th place);
  • Kenneth Glenn Manuel ng University of Sto. Tomas (6th place);
  • Rhowee Buergo ng Jose Rizal University (7th place);
  • Anton Luis Avila ng Saint Loius University (8th place);
  • Jun Dexter Rojas ng Polytechnic University of the Philippines (9th place);
  • at si Babelan Madera ng University of St. La Salle (10th place).

Samantala, hinikayat ni Supreme Court Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe ang mga nakapasa sa 2019 bar examinations na patuloy na proteksyunan ang mamamayang Pilipino.

Mula kasi aniya sa 7,685 na kumuha ng bar exam noong nakaraang taon, 2,103 dito ang nakapasa na may kabuuang 27.36 percent.

Kasabay nito, pinost-pone naman ng Supreme Court ang 2020 bar exams na idaraos sana sa Oktubre dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa inilabas ng anunsyo ng Supreme Court, ilalabas sa June 2020 ang bagong iskedyul ng eksaminasyon na posibleng mausog sa 2021.

Facebook Comments