TOPNOTCHER NG PANGASINAN SA AGRI BOARD EXAM, NAKATANGGAP NG 100K INCENTIVE MULA SA ALMA MATER

Binigyan ng 100K incentives ng Pangasinan State University (PSU) ang isa sa kanilang graduate na nag-No. 5 sa Agriculturist Licensure Examination.
Bilang pagkilala sa tagumpay, iginawad at personal na inabot ng PSU University President ang cash incentive na P100,000 kay King Bascos Bergonio.
Si Bergonio ay nagtapos ng Bachelor of Science (BS) in Agriculture mula sa PSU-Sta. Maria Campus sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) na nakakuha ng rating na 85.67 sa Agriculturist Licensure Examination.

Layunin ng insentibo na mas maging masikap pa ang ilan sa mga graduates at board takers sa kanilang board exam nang sa ganun ay makatanggap din sila ng insentibo bilang parangal sa kanilang dedikasyon. |ifmnews
Facebook Comments