TOR ng China kaugnay sa joint oil and gas exploration sa South China Sea, tinanggap ni Sec. Locsin

Tinanggap na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang Terms of Reference (TOR) ng China kaugnay sa panukalang joint oil exploration sa South China Sea.

Ayon kay Locsin – ang bersyon ng China sa TOR ay “superior to our own.”

Dagdag pa ng kalihim – ang TOR ng China ay malapit sa teksto ng isang mahusay na oil and gas Memorandum of Agreement (MOA).


Nilinaw din ni Locsin na walang one-year deadline sa isang specified project.

Sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping noong Nobyembre, ang Pilipinas at China ay lumagda ng Memorandum of Understanding on Cooperation on Oil and Gas Development.

Taliwas sa sinabi ni Locsin, ang nakasaad sa dokumento na ang China at Pilipinas ay kukumpletuhin ang proposed energy agreement sa loob ng 12 buwan.

Facebook Comments