Toronto Raptors – reresbak sa game 3 ng NBA semifinals kontra Cavaliers

66

NBA – Pinaghahandaan na ng Toronto Raptors ang pagresbak nito sa Cleveland Cavaliers sa nagpapatuloy na eastern conference semifinals series.

Ito’y matapos ang dalawang sunod na talo ng koponan sa Cavs.

Ayon kay Toronto Star guard Kyle Lowry – gagawin nila ang lahat para makabawi kung saan gaganapin ang sunod nilang laban sa kanilang homecourt sa air Canada Centre.

At sa kabila ng tinamong sprain sa kanyang left ankle, sisiguruhin umano niyang makakalaro pa rin siya sa game 3.

Sa kasalukuyan, 2-0 na ang serye ng dalawang koponan pabor sa Cleveland.

DZXL558

Facebook Comments