Ipinatupad ng bayan ng Naguilian, La Union ang tuluyang pagbabawal sa lahat ng uri ng paputok o firecrackers sa pagsalubong ng bagong taon, alinsunod sa Municipal Ordinance No. 2020-233.
Ayon sa ordinansa, ang sinumang lalabag ay maaaring pagmultahin ng ₱1,000 hanggang ₱2,500.
Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa publiko — ang ilan ay nagsabing kabawasan ito sa kasiyahan ng pagdiriwang.
Nanindigan naman ang lokal na pamahalaan sa layunin ng hakbang na ito na mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan ng bayan habang sama-samang ipinagdiriwang ang bagong taon sa responsableng paraan.
Hinihikayat din ang publiko na iulat ang mga lumalabag sa kanilang mga barangay upang masiguro ang maayos at ligtas na pagdiriwang.
Facebook Comments










