Total ban sa paputok, suportado ng Ecowaste Coalition

Nanawagan ang Ecowaste Coalition na ipatupad ang total ban sa mga paputok.

Ayon kay Ecowaste Campaigner Tony Dizon, pwedeng salubungin at ipagdiwang ang bagong taon na walang nasasaktan dahil sa paputok.

Sinabi ni Dizon, pwedeng gumamit ng ilang pampaingay na ligtas at mabisang alternatibo sa paputok.


Iginiit ng Ecowaste na ang ingay at kemikal mula sa paputok ay mapanganib sa kalusugan.

Samantala, mahigpit na ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang Executive No. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan maaari lamang magpapaputok sa mga itatalagang lugar.

Ipagbabawal din ang pag-aangkat, paggawa, at paggamit ng ilegal na paputok.

Facebook Comments