Hiniling ni House Minority Leader Bienvenido Abante ang total ban sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.
Ayon kay Abante, kung hindi rin lang mabubuwisan at mapapakinabangan ng bansa ang POGO ay tuluyan na itong i-ban sa Pilipinas.
Hindi rin aniya maiiwasan na mabahiran ng korapsyon ang POGO dahil din sa maluwag na sistema ng bansa pagdating sa regulasyon ng mga ito.
Ito rin aniya ang dahilan kaya ang Cambodia ay tuluyang inalis ang POGO sa kanilang bansa.
Samantala, hiniling ni Abante na i-review ang charter ng PAGCOR matapos na aminin nito na lisensya lamang ang kanilang ibinibigay sa mga POGO at hindi franchise.
Dapat aniyang maging malinaw ito para maging klaro din ang mga ipapataw na buwis sa POGO at sa mga foreign workers nito.