Manila, Philippines – Kinokonsidera na ng Manila International Airport
Authority (MIAA) ang pagpapatupad ng total ban ng mga white metered taxi sa
lahat ng mga terminal sa NAIA.
Babala ni MIAA General Manager Ed Monreal – oras na makatanggap ulit sila
ng reklamo tungkol sa pangongontrata o overpricing ng mga taxi driver ay
hindi na niya ito papayagang makapasok sa paliparan.
Base kasi sa datos ng MIAA, mahigit 300 reklamo na laban sa mga white
metered taxi ang natanggap ng kanilang opisina mula noong July 2016.
Hindi pa aniya kasama rito ang ilang reklamo na kumalat sa social media.
Samantala, panawagan ng mga taxi driver, parusahan na lang ang mga pasaway
at abusadong tsuper at huwag magpatupad ng total ban.
Facebook Comments