Total Confirmed Cases ng COVID-19 sa Isabela, Halos 5 Libo

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 4,977 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 18, 2021, nadagdagan pa ng dalawampu’t siyam (29) na bagong positibo sa COVID-19 ang kaso ng Isabela na nagdadala sa 4,977 total confirmed cases.

Mula sa bilang ng bagong kaso, labing isa (11) ang naitala mula sa Santiago City; walo (8) sa bayan ng Gamu; lima (5) sa Angadanan at tig-isa (1) sa mga bayan ng Cabagan, Reina Mercedes, San Pablo, Lungsod ng Cauayan at Ilagan.


Mayroon namang tatlumpu (30) na bagong gumaling sa COVID-19 na nagdadala naman sa kabuuang bilang na 4,477.

Umaabot naman sa siyamnapu’t anim (96) ang bilang ng namatay na may COVID-19.

Sa kasalukuyan, nasa 405 ang bilang ng aktibong kaso sa Isabela.

Facebook Comments