Total deployment ban sa Kuwait, inaprubahan na ni Pangulong Duterte

Inaprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng total deployment ban sa Kuwait.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sakop ng inaprubahang rekomendasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello ang mga skilled workers.

 

Aniya, malinaw na tinangka ng Kuwaiti government na itago ang totoong nangyari sa ofw na si Jeanelyn Villavende.


 

Base kasi sa resulta ng re-autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) lumitaw na biktima ng sexually abuse si Villavende.

 

Pero sa autopsy report ng gobyerno ng Kuwait ay trauma at mga pasa sa katawan ang dahilan ng pagkamatay nito.

 

Giit ni Panelo, hindi babawiin ng gobyerno ang total deployment ban hangga’t hindi tumutugon ang Kuwait sa Memorandum of Agreement hinggil sa kontrata ng mga ofw sa nasabing bansa.

Facebook Comments