TOTAL FIRECRACKER BAN | DOH, pag-iisipan ang pagrekumenda sa Pangulo

Manila, Philippines – Pinag-iisipan ng Department of Health (DOH) ang pagrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pagpapatupad ng total firecracker ban.

Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque na naging maganda ang resulta ng pagpirma ng Pangulo ng Executive Order #28 na nagre-regulate sa paggamit ng mga paputok bilang pagsalubong ng Bagong Taon.

77% ang ibinaba ng insidente ng naputukan sa pagsalubong sa 2018. Ito na ang pinakamababa sa loob ng limang taon.


Pero aminado si Secretary Duque na hindi magiging madali ang pagpapatupad ng total firecracker ban. Papatayin kasi nito ang industriya ng paputok sa Pilipinas.

Kaya’t dapat daw ihanda muna ng gobyerno ang alternatibong pagkakakitaan ng mga mawawalan ng trabaho. Tinatayang nasa isang daang manggagawa ang nasa insdustriya ng paputok sa bansa.

Facebook Comments