Total firecracker ban, mahigpit na ipatutupad sa Quezon City

Mahigpit na ipatutupad ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang total firecracker ban sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Department in Public Order and Safety (QC-DPOS) head Retired General Elmo San Diego, mahipit na ipinagbabawal ang pagpapaputok sa mga pampublikong lugar.

Tanging ang mga pailaw lamang ang pinapayagan sa mga itatakdang fireworks zone ng lungsod.


May koordinasyon na aniya ang QC Police District, DPOS, at mga barangay sa lungsod hinggil sa naturang ordinansa.

Giit ni San Diego, hindi sila magdadalawang-isip na ipakulong ang mga lalabag dito kahit pa Bagong Taon.

May multa ring ₱5,000 at kulong na anim na buwan ang mga mahuhuli.

Kaugnay nito ay may inihanda naman aniyang New Year’s Eve countdown at fireworks display ang LGU sa QC Circle para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Facebook Comments