Kumabig na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng total firecrackers ban sa bansa sa susunod na taon.
Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” papayagan na lamang ng Pangulo ang community fireworks display na ikakasa ng mga lokal na pamahalaan.
Inaatasan ng Pangulo ang mga local government authorities, partikular ang mga alkalde at chief of police na pangasiwaan ang community fireworks display at matiyak na nasusunod ang safety at health protocols.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, dapat ibenta ng firecrackers manufactures ang kanilang produkto sa mga Local Government Units (LGU) o sa police force.
Aniya, kikita sila rito dahil maraming LGU ang gustong maglunsad ng sariling community fireworks display sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ipinauubaya na ng Pangulo sa mga LGU ang pagdedesisyon hinggil sa kanilang fireworks display basta hindi nito ‘masasabugan ang buong Pilipinas.’